Skip navigation

Uy! Medyo matagal na rin akong hindi nagba-blog ah! tatlong taon na ang lumipas yung huli. Eh! bakit ba ako nagsulat ulit ngayon? Kasi naiinip na naman ako, saka gusto ko lang ibida itong bagong hilig ko…ang pagbibisikleta.

Ang hirap naman kasi kung pagtetennis lang ang exercise ko,  laging maulan ngayong summer dito kaya madalang makalaro, ang mahal naman ng bayad pag mag-indoor court ako.  Kaya naisipan kong bumili ng bisikleta, para may regular exercise na, makakatipid pa sa gasolina kasi imbes na magsasakyan ay magbibisikleta na lang ako kung malapit lang naman ang pupuntahan.

Gusto ko sana bumili ng mountain bike, pero naisip ko mas takaw-nakaw yun dahil nakalabas sa kotse pag ikakarga mo, di tulad nito pwede na sa compartment dahil kasya naman. Puwede pa nga isang tao dun kapag inilagay ito dun, kasing-laki nga lang ni wengweng dapat yung tao! hehehe!  Sa mga susunod na entries, mga gala naman sa pagbibisikleta at kung anu-ano pa!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.